top of page
bg tab.png

Pasilidad ng mga PUPC sa PNP Angat, Isinailalim sa Paglilinis at Pag-disinfect Laban sa Sakit

Aug 4
1 min read

Isinailalim sa cleaning and disinfection ang Angat MPS Temporary Custodial Facility sa Barangay San Roque, Angat, Bulacan ngayong Agosto 4, 2026, bandang 1:00 ng hapon.


Pinangasiwaan ng mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (PNP Angat) ang pagsasagawa ng pangkalahatang paglilinis at pag-i-disinfect sa buong pasilidad ng mga Person Under Police Custody (PUPC). Ang gawaing ito ay bahagi ng mga hakbangin ng kapulisan upang maiwasan ang pagkalat ng mga nakahahawang sakit tulad ng COVID-19 at iba pang uri ng virus sa loob ng pasilidad.


Ang naturang aktibidad ay isinagawa alinsunod sa mga layunin ng PNP Patrol Plan 2030 na naglalayong tiyakin ang malinis, ligtas, at maayos na kalagayan ng kalusugan ng mga taong nasa ilalim ng pangangalaga ng kapulisan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page