top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

Panukalang Proyekto para sa 2024 BDRRMF, Pinag-usapan ng mga BDRRMC ng Angat


Pinangunahan ng ating MDRRMO Carlos Rivera Jr. ang pagpupulong sa Barangay Disaster Risk Reduction Management Committee (BDRRMC) na kung saan natalakay ang mga sumusunod:


• Pag-ulat ng mga Brgy. Ingat-Yaman sa mga naipatupad na programa, proyekto, at aktibidad na may kinalaman sa DRRM ng nagdaang buwan ng taong kasalukuyan.

• Paghahain ng mga programa, proyekto at aktibidad na paglalaanan ng pondo na magmumula sa approved budget ng BDRRMF sa taong 2024.

• Paghahanda sa 2023 Seal of Good Local Governance for Barangay.

• Pagsusuri at pagbisita sa SGLGB Technical Working Group sa mga barangay.



Kasabay nito, atin ding pinagdiriwang ang Nutrition Month, kaya't nagbahagi ang ating MNAO Jessica Villarama patungkol sa programa ng tanggapan, "Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG)" na isang programa na hinihikayat ang bawat barangay na magtanim ng gulay o prutas sa kanilang mga nasasakupan.


Ito ay dinaluhan ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Kon. Andrew Tigas, Kon. Blem Cruz, Kon. Wowie Santiago, mga punong barangay, ingat-yaman at kalihim ng bawat barangay sa ating bayan. Ang programa ay isinagawa sa ating Municipal Conference Room.


33 views0 comments

Comentarios


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page