Pangkabuhayang Seminar sa Food Processing, Ilulunsad sa Barangay Niugan
- Angat, Bulacan

- May 13
- 1 min read

Isang mahalagang Food Processing Training at Seminar ang nakatakdang ganapin ngayong darating na Mayo 18, 2026 (Lunes), sa ganap na 2:00 ng hapon sa Barangay Hall Garage.
Ang naturang aktibidad ay bahagi ng Livelihood Program ng Sangguniang Barangay na naglalayong maghatid ng dagdag na kaalaman at mapagkakakitaan para sa bawat pamilyang taga-Niugan. Sa seminar na ito, ituturo ang iba't ibang paraan ng pagpoproseso ng pagkain at mga tamang hakbang sa pagsisimula ng sariling negosyo.
Dala ang temang "Kakayahan natin, Kabuhayan natin, Kinabukasan natin!", malugod na inaanyayahan ng pamunuan ng barangay ang lahat ng interesadong residente na dumalo at makiisa upang sama-samang maitaguyod ang mas maunlad na komunidad.









Comments