Pamumuno na May Malasakit: Mayor Jowar Personal na Naghatid ng Tulong sa Barangay Sulucan
- Angat, Bulacan
- 2 days ago
- 1 min read

Bilang tugon sa matinding buhos ng ulan noong Setyembre 1, 2025, bumaba si Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista, Punong Bayan ng Angat, sa Barangay Sulucan upang personal na maghatid ng tulong at kumustahin ang lagay ng mga residente, lalo na ang mga naapektuhan ng pagbaha sa mga mabababang lugar.
Agad na pinangunahan ni Mayor Jowar ang koordinasyon upang ihanda at ipamahagi ang mga relief packs sa mga nasalanta. Sa pangunguna ni G. Carlos R. Rivera Jr., MGDH I (MDRRMO), mabilis na inihanda ng MDRRMO Angat ang mga relief items upang matiyak na makarating sa mga apektadong pamilya sa barangay.
Hindi bababa sa isang daang pamilya ang nakatanggap ng tulong sa Barangay Sulucan. Katuwang sa paghatid ng tulong ang MDRRMO Angat, mga opisyal ng Barangay Sulucan, at mga volunteers na nagbigay ng kanilang oras at serbisyo para sa kapakanan ng komunidad.
Ang personal na pakikilahok ng Punong Bayan ay patunay ng malasakit at mabilis na aksyon ng lokal na pamahalaan sa panahon ng sakuna. Pinapaalalahanan ang lahat na maging handa at alerto sa oras ng kalamidad.
Para sa anumang emergency, maaaring tumawag sa Angat Rescue Hotline: 0923-926-3393 / 0917-710-5087.
Comments