Pamahalaang Bayan ng Angat, Nagpatawag ng Pagpupulong para sa mga Resort at Private Pool Owners
- Angat, Bulacan

- 1 hour ago
- 1 min read

Naging makabuluhan ang ginanap na pagpupulong sa pagitan ng Pamahalaang Bayan ng Angat at ng mga may-ari ng private pool at resort sa bayan nitong ika-13 ng Agosto, sa pangunguna ni Punong Bayan Igg. Reynante "Jowar" S. Bautista.
Ang nasabing talakayan ay isinagawa bilang paghahanda sa kasalukuyan at sa paglipat ng taon, upang matiyak ang pagsunod ng mga resort sa mga pamantayan ng kaligtasan at pambayang regulasyon.
Inilatag ng iba't ibang departamento ng lokal na pamahalaan ang mga sumusunod na pangunahing usapin at kahilingan:
Pangangalaga sa Kalikasan: Updated Environmental Regulations and Compliance Requirements ng Environmental Management Bureau (EMB) mula sa MENRO Angat.
Kalusugan at Kalinisan: Sanitary Inspection Requirements mula sa Municipal Sanitation Office (Rural Health Unit).
Akreditasyon sa Turismo: Department of Tourism (DOT) Accreditation sa ilalim ng Municipal Tourism Office.
Rehas at Legalidad: Zoning Clearance Requirements mula sa MPDO at Building Permit Requirements mula sa Municipal Engineering Office (MEO).
Kaligtasan sa Tubig: Lifeguard Training at Water Safety Standards sa pangangasiwa ng MDRRMO Angat.
Pangnegosyong Regulasyon: Business Permit Renewal Requirements CY 2027 mula sa BPLO Angat.

Binigyang-diin din sa pagpupulong ang iba pang mga lokal na ordinansa na naglalayong mapanatili ang kaligtasan at maayos na karanasan ng mga mamamayan ng Angat pati na rin ng mga turistang dumadayo sa bayan.
Ang hakbanging ito ay bahagi ng patuloy na programa ng pamahalaan upang gabayan at palakasin ang mga lokal na establisimyento. Para sa mga katanungan at karagdagang impormasyon, pinapayuhan ang publiko na magsadya sa tanggapan ng BPLO, mag-iwan ng mensahe sa kanilang opisyal na Facebook Page, o tumawag sa numerong 0994 832 1278.









Comments