top of page
bg tab.png

Pamahalaang Bayan ng Angat, Nag-abot ng Pasasalamat sa mga Manggagawa


Bilang paggunita sa Araw ng mga Manggagawa ngayong Mayo 1, nagpaabot ng mainit na pagbati at taos-pusong pasasalamat ang Pamahalaang Bayan ng Angat sa bawat manggagawang Pilipino na nagsisilbing haligi ng pag-unlad ng ating bayan.


Sa mensahe na inilabas ng lokal na pamahalaan, kinilala ang hindi matatawarang sakripisyo at dedikasyon ng mga manggagawa sa iba’t ibang sektor.


Binigyang-diin ang mahalagang kontribusyon ng mga manggagawa mula sa mga nasa bukid, konstruksyon, opisina, at iba pang larangan na patuloy na nagbibigay-buhay sa ating komunidad.


Kinilala rin ang katatagan ng mga manggagawa na sa kabila ng mga pagsubok ay patuloy na nananatiling matatag at handang maglingkod hindi lamang para sa kanilang pamilya, kundi para sa mas ikauunlad ng buong bayan.


Ang kanilang sipag at tiyaga ang nagsisilbing inspirasyon upang mas mapabuti ang serbisyo publiko at komunidad.




Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page