Pamahalaang Bayan ng Angat, Isinusulong ang Kahalagahan ng Exclusive Breastfeeding at Unang 1,000 Araw ng Sanggol
- Angat, Bulacan

- Aug 4
- 1 min read

Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Angat, sa pamamagitan ng Nutrisyo Angat, ang kahalagahan ng eksklusibong pagpapasuso at ang tamang pangangalaga sa "Unang 1,000 Araw" ng isang baby ngayong buwan ng Agosto.
Sa pamamagitan ng nasabing kampanya, binigyang-diin ng lokal na pamahalaan ang mahalagang papel ng gatas at yakap ng ina sa malusog na paglaki ng sanggol, pati na rin ang pagkilala sa mga sakripisyo ng bawat inang Angateño.
Binigyang-diin din ng Nutrisyo Angat na hindi lamang tungkulin ng ina ang pagpapasuso, kundi nangangailangan din ito ng buong suporta mula sa nakapaligid sa kanila:
Pamilya: Pagbibigay ng emosyonal at praktikal na suporta sa bahay upang maging maayos ang lagay ng ina habang nagpapasuso.
Komunidad: Pagtataguyod ng mga ligtas at maayos na pasilidad sa bawat barangay para sa mga inang nagpapasuso.
Lugar ng Trabaho (Workplaces): Pagbibigay ng sapat na oras at ligtas na espasyo sa mga opisina at kumpanya para sa mga nagtatrabahong ina.
Nagpaabot ng taos-pusong pagkilala at saludo ang pamahalaang bayan sa lahat ng mga tinaguriang "SUSOper Mudra" o mga inang patuloy na nagbibigay ng pinakamahusay na nutrisyon para sa kanilang mga anak.









Comments