Malugod na ipinagmamalaki ng ating Punong Bayan Reynante "Jowar" S. Bautista ang pagsasakatuparan ng pagbubuo ng People’s Council kung saan magkakaroon ng direktang papel sa lokal na pamahalaan ang taumbayan sa pamamagitan ng Malaya at responsabelng pagsasaboses ng hinaing ng bawat sektor, makakapagtanong at makakapagbigay ng kanilang mungkahi hinggil sa pamamalakad sa ating bayan.
Sa kanyang pananalita ay ibinahagi ng ating Punong Bayan na isa sa mga nais niyang magawa at naipangako sa panahon ng kampanya ay ang pagtitiyak ng participatory governance, at ito nan ga ang panimulang hakbang upang maging bahagi na ito ng sistema ng ating Pamahalaang Bayan. Ibinahagi din niya ang mga tampok na naisakatuparan sa nakalipas na limang buwan ng pamamahala sa ating Munisipyo.
Bilang pormal na pagbubuo, nagkaroon ng Ceremonial Signing ang mga kinatawan ng bawat organisasyong dumalo sa pagtitipon. Kabilang dito ang:
1. Sub-Parish Pastoral Council (SPPC)-Pulong Yantok
2. Kapitbisig Association of Pulong Yantok
3. Kabalingay-Angat
4. One Laog Farmers Irrigators Association
5. Prime Farmers of Sta. Lucia
6. Samahang Magsasaka ng Binagbag
7. Angat Development and Credit Cooperative
8. Pulong Yantok Farmers
9. Marungko-Lalangan Irrigators Association
10. Angatenos Pride
11. PPC Immaculate Conception Quasi-Parish
12. Angat-Baliuag Jeepney Owners and Drivers Association (JODA)
13. Alpha Kappa Rho (AKRHO)
14. Gintong Butil
15. Angat Day Care Workers Association
16. Senior Teachers of Angat Retirees (STAR)
17. JOWABLE Youth
18. Angat Kalusugan, Inc
19. Rotary Club of Angat
20. Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA)-Angat
21. Rotaract Club of Angat
22. Samahan ng Nagtitilapya
23. Angat Municipal Employees Association (AMEA)
24. Samahan ng May Kapansanan sa Angat (SAMAKA PWD)
25. Kabalikat-Pulong Yantok
26. Arugang Maralita
27. Knights of Columbus
28. Angat Christian Ministers Association (ACMA)
29. Angat Tricycle Owners and Drivers Association (TODA) Federation
30. Sta. Monica Parish Youth Council
Ito ang masasabing unang pagkakataon na aktwal na bibigyang-boses ang taumbayang Angatenyo sa ating Pamahalaang Bayan. At upang matiyak ang tuloy tuloy na ugnayan, bubuuin ang istruktura nito na direktang nakapailalim sa Tanggapan ng Punong Bayan. Inaasahan na sa susunod na mga pagkakataon ay muling magtitipon ang mga kinatawan upang makibahagi sa mga paglalatag at pagpapatupad ng plano ng ating Pamahalaang Bayan.
コメント