Pagtutok sa mga ‘Hot Spots’ sa Kailugan: MDRRMO Angat, Mas Pinahigpit ang Bantay sa Day 4 ng Oplan SUMVAC
- Angat, Bulacan

- 6 days ago
- 1 min read

Sa pagpapatuloy ng Oplan SUMVAC 2026, masusing binabantayan ngayon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang mga istratehikong lugar o "Hot Spots" sa kahabaan ng Ilog Angat nitong ikaapat na araw ng operasyon.
Batay sa monitoring ng departamento, tinukoy ang mga sumusunod na barangay bilang prayoridad sa seguridad at kaligtasan dahil sa dami ng mga dumarayong naliligo:
Barangay Sta. Lucia
Barangay San Roque
Barangay Sto. Cristo
Barangay Sta. Cruz
Ang mga nasabing lugar ay nakararanas ng pagdagsa ng mga turista at lokal na residente, kaya naman ang mga response teams ay patuloy na nagmamanman upang matiyak na walang magaganap na anumang untoward incident. Bukod sa pisikal na presensya, aktibo ring nagpapaalala ang mga personnel tungkol sa pag-iingat sa malalalim na bahagi ng ilog at ang kahalagahan ng pagiging alerto sa bawat oras.
Nanatiling naka-deploy ang Angat Rescue Team sa mga naturang barangay upang mabilis na makatugon sa anumang emergency. Layunin ng MDRRMO na mapanatili ang kaayusan at matiyak na ang bawat pamilyang bumibisita sa kailugan ay makauuwi nang ligtas sa kanilang mga tahanan.









Comments