Pagtatayo ng Telco Tower, Tatalakayin sa Public Hearing sa Barangay Niugan
- Angat, Bulacan

- May 6
- 1 min read

Nagpalabas ng pabatid ang Sangguniang Barangay ng Niugan para sa isang gaganaping Public Hearing ngayong darating na Mayo 8, 2026 (Biyernes), sa ganap na 10:00 ng umaga sa Session Hall ng Barangay Hall.
Inaanyayahan ang lahat ng residente, partikular na ang mga nakatira sa Purok 4, Conrados St., at mga kalapit na lugar, na dumalo sa pagpupulong. Tatalakayin dito ang planong pagtatayo ng isang Telco Tower (cell site) sa nasabing lugar.
Ayon sa pamunuan ng barangay, mahalaga ang presensya ng mga mamamayan upang mapakinggan ang kanilang mga opinyon, tanong, at saloobin bago simulan ang proyekto.









Comments