top of page
bg tab.png

Pagsuporta sa Kabataang Angatenyo: MDRRMO Kasama sa SK Federation Color Fun Run


ree

Noong Agosto 31, 2025, nakiisa ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa isang makabuluhang aktibidad na pinangunahan ng Pederasyon ng Sangguniang Kabataan ng Angat (SK Federation of Angat, Bulacan) — isang color fun run with a cause na may temang “Every Step Counts.”


Sa pamumuno ni G. Carlos R. Rivera at sa pakikipag-ugnayan ni Hon. Mary Grace Evangelista, nag-deploy ang MDRRMO ng karampatang suportang medikal upang masiguro ang kaligtasan ng lahat ng kalahok.


Itinalaga rin ang Angat Rescue Team sa mga checkpoint areas upang agad na makapagbigay ng tulong kung kinakailangan. Naging matiwasay at maayos ang buong aktibidad, at walang naiulat na insidente.


Ang partisipasyon ng MDRRMO sa ganitong programa ay patunay ng malasakit at kahandaan ng lokal na pamahalaan sa kabataan, kasabay ng paghikayat sa aktibong pamumuhay at pagtutulungan para sa komunidad.


Para sa anumang emergency, maaring tumawag sa Angat Rescue Hotline: 0923-926-3393 / 0917-710-5087.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page