Pagsasanay sa Paggawa ng Kandila, Isinagawa para sa mga Benepisyaryo ng 4Ps

Matagumpay na isinagawa ng Public Employment Service Office (PESO Angat) at ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang Skills and Livelihood Training in Candle Making para sa mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Old Municipal Conference Hall.
Layunin ng nasabing pagsasanay na magkaloob ng mga bagong kasanayan at alternatibong mapagkakakitaang negosyo para sa mga pamilyang Angatenyo, lalo na sa paghahanda sa nalalapit na Undas.

Pinangunahan ni Gng. Margarita P. Germar, kinikilalang tagapagsanay mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), ang pagtuturo ng tamang proseso at pamamaraan sa paggawa ng mga de-kalidad na kandila.
Nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat ang PESO Angat kay Punong Bayan Igg. Reynante "Jowar" S. Bautista sa walang sawang suporta sa mga programang pangkabuhayan na naglalayong palakasin ang kakayahan ng mga benepisyaryo na maging produktibo at magkaroon ng sariling pinagkakakitaan.











Comments