Sa isang makabuluhang aktibidad, sumailalim ang mga kaguruan mula sa mga pampublikong paaralan sa isang malawakang Seminar-Workshop on Contingency Plan Development.
Ito ay dinaluhan ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista upang magbigay ng mensahe at ipaalala ang kahalagahan ng kaalaman at kasanayan ng mga guro patungkol sa mahalagang aspeto ng pagbuo ng plano sa mga pangyayaring di-inaasahang mangyari.
Dito, puspusang tinutukan ang pagbibigay ng tamang kaalaman at mga kasanayan sa pagsasagawa ng mga hakbang upang mapanatili ang kaligtasan at maayos na pamamahala sa ganitong mga sitwasyon, at ito ay isang mahalagang hakbang patungo sa mas ligtas at maayos na kapaligiran para sa mga mag-aaral at kawani ng paaralan.
Ang nasabing seminar ay naglalayong pagtibayin ang kakayahan ng mga kaguruan na maging handa at maayos na magresponde sa anumang posibleng krisis o mga pangyayaring pang-emergency sa loob ng mga paaralan.
Comentarios