Masigla at may galak na sinimulan ang unang linggo ng Nobyembre ng pagsasagawa ng lingguhang Flag Ceremony sa pangunguna ng mga kawani mula sa Accounting Department at pagkatapos ay sinundan naman ito ng Banal na Misa sa pangunguna ni Mons. Manny P. Villaroman. Dinaluhan ito ng ating butihing Punong Bayan Reynante S. Bautista,
Pangalawang Punong Bayan Arvin L. Agustin, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga Pinuno ng Tanggapan, at mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Angat. Ngayong buwan din ay pinagdiriwang natin ang Buwan ng mga Bata na may temang "Kalusugan, Kaisipan, at Kapakanan ng bawat Bata ating Tutukan".
Naibahagi sa banal na misa: "Lahat posible, walang imposible kapag meron tayong pananalig sa tao lalo't higit sa Diyos, ngayon imposible pero sa mga susunod na panahon pwede pala, ganundin ang pagunlad ngayon ito lang pero sa mga susunod na panahon ay madami pang magagawa, basta't mayroong kang pananalig sa isat isa, tiwala sa isat isa".-Mons. Manny Villaroman.
Sinisiguro ng ating Pamahalaang Lokal pati na rin ng ating mga nanunungkulan na laging kasama ang Panginoon sa paglilikod upang sa gayon ay magabayan sa bawat hakbangin patungo sa ikauulad ng ating Bayan.
Comments