Isinagawa ang pagpupulong ng mga pinuno ng bawat tanggapan ng Pamahalaang Bayan para sa ikalawang quarter ng taong 2023. Ibinahagi sa talakayan ang kanilang mga naisakatuparang plano, programa at mga gawain patungkol sa kani-kanyang departamento.
Adhikain ng pagpupulong ito na mas lalong pataasin ang antas ng serbisyo publiko para sa ating mamamayan. Tinalakay din ang mga programang isinagawa at isasagawa pa na tiyak na pakikinabangan ng mga Angatenyo.
Dinaluhan ito ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, Sangguniang Bayan Members, at mga Pinuno ng Tanggapan.
Comentários