top of page
bg tab.png

PAGPAPATULOY NG SERBISYO PUBLIKO SA GITNA NG HABAGAT AT BAGYO

ree

Tuloy-tuloy ang pagkilos ng Pamahalaang Bayan ng Angat upang matiyak ang kaligtasan ng bawat Angateño sa gitna ng patuloy na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon (Habagat) at Tropical Depression #EmongPH.


Sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan at MDRRM Council Chairperson Hon. Reynante “Jowar” S. Bautista, personal siyang nagtungo sa Municipal Emergency Operations Center (EOC) upang tingnan ang kasalukuyang kalagayan ng bayan, kumustahin ang mga kawani, at tiyaking maayos ang implementasyon ng mga hakbang para sa kaligtasan ng publiko.


Kasama rin sa pagbisita si PCpt. Jayson Viola ng Pulisya ng Angat, na nagpakita ng aktibong pakikiisa sa monitoring ng sitwasyon. Pinangunahan naman ni G. Carlos R. Rivera Jr., MGDH I, ang pagbabahagi ng mga weather data at forecast kaugnay sa inaasahang epekto ng sama ng panahon sa mga darating na araw.


Ayon sa datos ng MDRRMO, inaasahan ang patuloy na malalakas na pag-ulan sa Bayan ng Angat bunsod ng umiiral na habagat at epekto ng pamumuo ng bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).


Isa rin sa mga binigyang pansin sa monitoring ay ang pagtaas ng tubig sa Barangay Niugan, na ayon sa assessment ay dulot ng dami ng ulan at ang pagbara ng tubig sa maliit na creek na matatagpuan sa gilid ng lumang barangay hall. Agad itong tinutukan ng MDRRMO at lokal na pamahalaan upang makapagsagawa ng kaukulang aksyon.


Hindi lang lokal ang paggalaw ng pamahalaan—dumalo rin si Mayor Bautista sa Provincial Council Meeting na pinamunuan ni Bulacan PDRRM Council Chairperson, Hon. Daniel Fernando upang ipabatid ang kasalukuyang kalagayan ng Angat at makipag-ugnayan sa iba pang mga bayan sa lalawigan. Katuwang niya rito sina G. Rivera at PCpt. Viola upang tiyakin na ang Angat ay maayos na naipapahayag ang pangangailangan at kalagayan nito sa antas panlalawigan.


Patuloy ang serbisyo publiko ng Pamahalaang Bayan ng Angat upang masiguro na ang bawat pamilya ay ligtas, may sapat na impormasyon, at may agarang tulong sa oras ng pangangailangan.


Sa gitna ng ulan, baha, o bagyo—Asenso at Reporma pa rin ang direksyon!

Para sa mga Kagyat na Pangangailangan o Emergency, mangyaring makipag-ugnayan sa Angat Rescue Hotline: 0923-926-3393 / 0917-710-5087


Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page