Pagpapalakas sa Kahandaan at Kabataan: Basic Life Support Training sa Angat
- Angat, Bulacan
- 2 days ago
- 1 min read

Bilang bahagi ng paghahanda para sa Rescuelympics, nagsagawa ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), sa pakikipagtulungan ng DepEd Angat, ng isang masusing pagsasanay sa Basic Life Support (BLS) para sa mga estudyante ng bayan.
Pinangunahan ni Maria Lilibeth F. Trinidad, mula sa Operations and Warning Division, ang pagsasanay kasama ang mga miyembro ng Angat Rescue Team. Tinalakay at isinagawa sa aktibidad ang mga mahahalagang kasanayan tulad ng:
Bandaging Technique
Cardiopulmonary Resuscitation (CPR)
Lifting and Moving
Bucket Relay
Ang pagsasanay ay naging matagumpay at naging aktibo ang partisipasyon ng mga estudyante mula sa iba’t ibang paaralan sa Bayan ng Angat. Ang matagumpay na aktibidad na ito ay bunga ng mahusay na koordinasyon sa pagitan ng DepEd Angat at ng Lokal na Pamahalaan ng Angat, sa pamumuno ni Punong Bayan Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista.
Layunin ng programa na palakasin ang kahandaan ng kabataan sa mga emergency at masiguro ang kanilang kakayahang tumulong sa kapwa sa oras ng pangangailangan.
Para sa anumang emergency, maaring tumawag sa Angat Rescue Hotline: 0923-926-3393 / 0917-710-5087.
Comments