Pagpapaigting ng Ugnayan at Paglago ng mga Pamilihang Bayan sa Bulacan: BUMALI Quarterly Meeting sa Angat
- Angat, Bulacan
- Jul 5
- 1 min read

Ang bawat Pamilihang Bayan ay nagsusumikap hindi lamang na pagandahin ang kanilang nasasakupang pamilihan kundi pati na rin magkaroon ng matibay at maayos na ugnayan sa mga karatig na pamilihan. Ang aktibong pakikipag-ugnayan at pagtutulungan sa bawat isa ay susi upang maiparating ang mga plano at isakatuparan ang mga programang makakatulong sa ikauunlad ng bawat pamilihan sa ating lalawigan.
Layunin nating mapanatiling malinis, maayos, at may kumpletong pasilidad ang lahat ng Pamilihang Bayan sa Bulacan. Kasabay nito, nais din nating magkaroon ng epektibong estratehiya at makataong pamamahala na susuporta sa paglago ng mga negosyanteng ating pinaglilingkuran.
Sa tulong at suporta ng ating butihing Mayor Hon. Reynante S. Bautista, ang Pamilihang Bayan ng Angat ay naging pangunahing host ng Bulacan Market Administrators League, Inc. (BUMALI) quarterly meeting na ginanap noong Hulyo 3, 2025 sa KapeTeana Coffee House, Taboc, Angat, Bulacan.
Kami ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng dumalo at naging bahagi ng makabuluhang pagtitipon. Nawa ay lalo pa nating mapalalim ang pagkakaisa at pagtutulungan upang patuloy na mapaunlad ang mga pamilihan sa Bulacan. Sama-sama nating itaguyod ang mas maunlad at matatag na pamilihan para sa kapakinabangan ng lahat.
Comments