top of page
bg tab.png

Pagkonsulta sa Barangay Pulong Yantok Ukol sa Nasirang Daan Dulot ng Habagat at TC Crising


ree

Bilang bahagi ng mas pinaigting na monitoring at pagtugon ng Pamahalaang Bayan ng Angat sa mga epekto ng masamang panahon, nagtungo ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa Barangay Pulong Yantok upang personal na suriin ang pinsalang iniwan ng Southwest Monsoon o Habagat, na lalo pang pinaigting ng Tropical Cyclone Crising.


Personal na pinangunahan ni G. Carlos R. Rivera Jr., MGDH I (MDRRMO), ang nasabing assessment upang masuri ang lawak ng pagkasira ng isang bahagi ng kalsada sa nasabing barangay. Ayon sa inisyal na ulat at obserbasyon ng MDRRMO, ang malakas at tuloy-tuloy na pagragasa ng tubig mula sa ulan ang naging pangunahing dahilan ng pagkasira ng naturang daan.


Agad namang kumilos ang pamunuan ng Barangay Pulong Yantok sa pangunguna ni Punong Barangay Renato “Abong” San Pedro. Sa kabila ng limitadong resources, nagsagawa agad ang Sangguniang Barangay ng pansamantalang solusyon upang mapanatiling madaanan ang nasirang bahagi ng kalsada at maiwasan ang pagka-isolate ng mga residente.


Patuloy ang koordinasyon ng MDRRMO sa mga kinauukulang tanggapan upang maisama sa agarang aksyon at long-term planning ang nasabing insidente, bilang bahagi ng mas malawak na disaster resilience program ng bayan.


Layunin ng lokal na pamahalaan na masiguro ang kaligtasan at mobilidad ng mga mamamayan, lalo na sa panahon ng sakuna. Sa pamamagitan ng agarang pagkilos at pagkakaisa ng bawat sektor, mas napapabilis ang pagresponde sa mga krisis.


Para sa anumang emergency, tumawag lamang sa Angat Rescue Hotline:0923-926-3393 / 0917-710-5087


Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page