top of page
bg tab.png

Pagkakaisa Tungo sa Higit na Pag-unlad ng Angat


Matagumpay na naisagawa ang dalawang araw na Team Building ng mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Angat. Nilahukan ito ng mahigit 200 opisyales at empleyado ng munisipyo mula sa iba’t ibang departamento. Ito ay ginanap noong May 5-6, 2023 sa Brgy. Tambobong, Dasol, Pangasinan.

Ang Team Building ngayong taon ay may temang “Strengthening UNITY for the betterment of the MUNICIPALITY” na naglalayon na magkaroon ng pagkakaisa ang mga kawani para sa ikagaganda ng serbisyo publiko sa ating pamahalaang bayan.

Nahati sa limang kulay/grupo ang mga kawani na siyang humarap sa mga aktibidad na inihanda ng Tanggapan ng Punong Bayan. Ipinamalas ng mga miyembro ang pagkakaisa at determinasyong maipanalo ang bawat laro.

Ang ganitong pagsasama-sama ng mga empleyado ay nagdudulot ng tiwala sa isa't isa, napapayabong ang komunikasyon sa mga kasamahan, at nadadagdagan ang motibasyong pag-igihin ang kani-kanilang trabaho sa kabila ng hamon ng stress at pagkapagod.


17 views0 comments

コメント


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page