Sa pagdiriwang ng National Disability Rights Week, isinagawa ang pamamahagi ng educational assistance para sa 103 na indibidwal (PWD na mag-aaral at mga anak ng PWD) gayundin ang Small Business Capital Assistance para sa 8 PWD. Ang okasyon ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagsasama at pagkilala sa kakayahan ng bawat isa, anuman ang kanilang kalagayan.
Si MDRRMO Ma. Lourdes Alborida ay nagbigay ng oryentasyon ukol sa disaster preparedness upang palakasin ang kahandaan ng komunidad sa oras ng sakuna. Ang kanyang talakayan ay nagbigay kaalaman sa tamang paghahanda at pagtugon sa mga kalamidad.
Ang programa ay pinangasiwaan ng MSWDO Menchie Bollas, katuwang ang PDAO Mychel Buenafe. Nakiisa rin sa pagdiriwang sina Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, Konsehal Darwin Calderon, at Kapitan Nerio Valdesco.
Comments