top of page
bg tab.png

Pagbisita sa Barangay Taboc, Agad Ginawa ng MDRRMO Matapos ang Malakas na Ulan

ree

Noong Setyembre 1, 2025, nagtungo ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa Barangay Taboc upang personal na makita ang pinsalang idinulot ng malakas na buhos ng ulan at thunderstorm sa lugar. Pinangunahan ang inspeksyon ni G. Carlos R. Rivera Jr., MGDH I (MDRRMO).


Malaki ang naging epekto ng malakas na agos ng tubig sa creek sa Barangay Taboc, na nagdulot ng pagguho ng lupa at pagkasira ng kalupaan. Naapektuhan din ang mga kalapit na palayan, na nagresulta sa pansamantalang pagkawala ng kabuhayan para sa mga magsasaka sa lugar.


Agad namang nakipag-ugnayan ang MDRRMO sa konseho ng MDRRM sa pamumuno ni MDRRMC Chairman Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista upang talakayin ang mga hakbang para solusyunan at maiwasan ang mas malalang pinsala sa hinaharap.


Pinapaalalahanan ang lahat na maging alerto at handa sa anumang kalamidad. Para sa mga emergency, maaari kayong tumawag sa Angat Rescue Hotline sa numerong 0923-926-3393 o 0917-710-5087.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page