Pagbisita ng DOLE, Nagsilbing Gabay sa PESO Angat Para sa Pagpapahusay ng Serbisyo
- Angat, Bulacan

- 3 days ago
- 1 min read

Isang audit at pagbisita ang isinagawa ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa tanggapan ng Public Employment Service Office (PESO) ng Angat noong Disyembre 9, 2025.
Ang pagpupulong ay ginanap sa Municipal Conference Hall.
Ang pangunahing layunin ng pagbisita ng DOLE ay alamin ang mga "best practices" ng PESO Angat sa pagpapatupad ng kanilang mga programa. Ito rin ay ginawa upang matulungan at mas mapagbuti pa ang mga serbisyo ng PESO para sa mga residente.
Nagbigay ng pasasalamat ang PESO Angat sa mga opisyales at kinatawan ng DOLE na dumalo na sina OIC at ARD Alex Inza-Cruz, Ma'am Ethell Galvan, Ma'am Celedonia Salamat at Ma'am Ivy Canicosa.
Tiniyak ng PESO Angat na patuloy nilang ibibigay ang kanilang makakaya sa paglilingkod, sa tulong at suporta ni Punong Bayan Mayor Reynante S. Bautista.








Comments