Pagbaba sa Barangay at Pakikonsulta sa Mamamayan, Isinagawa ni Mayor Jowar Matapos ang Malakas na Ulan
- Angat, Bulacan

- Sep 1
- 1 min read
Updated: Sep 5

Bumaba si Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista, Punong Bayan ng Angat at Chairperson ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC), sa ilang barangay upang personal na masaksihan ang epekto ng malakas at tuloy-tuloy na buhos ng ulan kaninang madaling-araw.
Sa kanyang pag-iikot, nakapanayam at nakadaupang-palad ni Mayor Jowar ang mga mamamayang Angatenyo na naapektuhan ng pagbaha, lalo na sa mga mabababang lugar na labis na nalubog sa tubig dahil sa pagtaas ng sapa at creek. Nakipag-konsulta rin siya sa mga residente upang alamin ang kanilang kalagayan at pangangailangan, at pangakong makikipag-ugnayan sa iba't ibang kawani ng lokal na pamahalaan upang agad na matugunan ang problema.
Kasama sa pag-iikot ang mga punong barangay na kanyang pinuntahan, na nakipag-koordinasyon upang masiguro ang agarang paghahatid ng tulong sa mga apektadong pamilya. Ilan sa mga tanggapan na nagbibigay ng frontline services, tulad ng MSWD Angat, Angat Rural Health Unit & Lying-In Clinic, at MDRRMO, ay nakaantabay upang tumugon sa pangangailangan ng mga mamamayan alinsunod sa direktiba ni Mayor Jowar.
Ang personal na pakikilahok ng Punong Bayan at ng lokal na pamahalaan ay patunay ng malasakit, mabilis na aksyon, at kahandaan ng Angat sa panahon ng sakuna.
Para sa anumang emergency, maaaring tumawag sa Angat Rescue Hotline: 0923-926-3393 / 0917-710-5087.









Comments