Pabatid: Libreng Frame at Check-up sa Mata sa Barangay Baybay
- Angat, Bulacan

- Nov 3
- 1 min read

Naglabas ng pabatid ang Sangguniang Barangay ng Baybay upang anyayahan ang lahat ng nagnanais magpakonsulta ng mata, bilang bahagi ng outreach program sa komunidad.
Ang programa, na isasagawa sa pakikipagtulungan ng La Vista Optical Clinic (Bonga Mayor, Bustos, Bulacan) at ni Dra. Milagros Cruz, Optometrist, ay gaganapin sa Nobyembre 4, 2025.
Ang mga serbisyong handog ay:
LIBRENG CHECK-UP SA MATA
LIBRENG FRAME
LENTE LAMANG ANG BABAYARAN SA MURANG HALAGA
Gaganapin ang programa sa Barangay Covered Court mula 8:30 AM hanggang 2:00 PM.
Hinihikayat ang mga residente ng Baybay na samantalahin ang pagkakataong ito upang masuri ang kanilang paningin.









Comments