Paalala sa mga Botanteng Angateño: Panibagong Voter Registration Magsisimula na
- Angat, Bulacan

- Jul 30
- 1 min read

Inaanyayahan ang lahat ng kwalipikadong mamamayan ng Angat na makibahagi sa muling pagbubukas ng voter registration mula Agosto 1 hanggang Agosto 10, 2025. Bukas ito araw-araw, kabilang ang mga holiday, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
Tumatanggap ang Commission on Elections (Comelec) ng mga sumusunod na aplikasyon:
Bagong rehistrasyon – para sa mga first-time voters
Pagbabago ng pangalan o civil status – gaya ng kasal o annulment
Pagwawasto ng personal na impormasyon – tulad ng maling spelling ng pangalan o petsa ng kapanganakan
Reactivation ng voter record – para sa mga botanteng hindi nakaboto sa dalawang magkasunod na halalan
Pagdaragdag sa listahan ng rehistradong botante – kung hindi naisama ang pangalan sa opisyal na listahan
Pagbabalik ng pangalan sa listahan ng mga botante – para sa mga natanggal sa listahan
Transfer ng record mula sa foreign post patungong lokal – para sa mga dating overseas voters na nais bumoto sa Pilipinas
Pag-update ng datos ng mga kabilang sa vulnerable sectors – tulad ng mga PWDs, Senior Citizens, at mga Katutubo (IPs/ICCs)
Mahalagang paalala: Hindi po tatanggap ng aplikasyon para sa lokal na transfer ng registration records o paglilipat mula sa isang barangay patungo sa iba pa sa loob ng parehong bayan.
Para sa lahat ng nais magparehistro o magsumite ng aplikasyon, mangyaring magtungo sa Comelec Office na matatagpuan sa likod ng ating Bahay Pamahalaan.
Huwag palampasin ang pagkakataong ito upang makaboto sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa darating na Disyembre 1, 2025. Ang inyong pakikilahok ay mahalaga sa kinabukasan ng ating pamayanan.









Comments