top of page
bg tab.png

OPLAN SUMVAC 2026 DAY 2: Impormasyon sa Kaligtasan, Mas Pinabilis ng MDRRMO


Upang masigurong malawak at mabilis ang pagpapaabot ng mga paalalang pangkaligtasan, hinati sa dalawang pangkat ang operasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Bayan ng Angat sa ikalawang araw ng Oplan SUMVAC 2026.


Sa ilalim ng estratehikong pagpaplano ng departamento, nagsagawa ng magkahiwalay na pag-iikot ang dalawang Response Teams sa iba't ibang bahagi ng kailugan ng Angat. Layunin nito na mas mapabilis ang Information Dissemination sa mga dumaragsang bakasyunista at residente na naliligo sa ilog ngayong panahon ng Semana Santa.


Pangunahing tinutukan ng mga team ang pagbibigay-babala tungkol sa mga sumusunod:

  • Safe Swimming Zones: Pagpapaalala kung aling bahagi ng ilog ang ligtas at kung saan ang may malalalim na bahagi.

  • Emergency Preparedness: Pagbibigay ng impormasyon kung saan matatagpuan ang mga First Aid Stations at kung paano makikipag-ugnayan sa mga awtoridad sa oras ng sakuna.

  • Public Discipline: Pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan sa paligid ng mga cottages at damara.


Ayon sa MDRRMO, ang paghahati sa dalawang team ay bahagi ng kanilang efficiency measures upang matiyak na walang bahagi ng kailugan ang maiiwang hindi nababantayan. Patuloy ang panawagan ng lokal na pamahalaan sa publiko na makinig at sumunod sa mga paalala ng ating mga rescuers para sa isang zero-accident na bakasyon.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page