OPLAN SUMVAC 2026 DAY 1: MDRRMO Angat, Todo-Bantay na sa Kailugan
- Angat, Bulacan

- Mar 30
- 1 min read

Pormal nang sinimulan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Bayan ng Angat ang kanilang malawakang pagbabantay sa kailugan nitong unang araw ng Oplan SUMVAC 2026.
Sa layuning matiyak ang kaligtasan ng mga pamilyang nagnanais magpalamig at mamasyal ngayong Mahal na Araw, nagsagawa ng inspeksyon ang bawat team sa mga nakatayong damara o cottages sa gilid ng Ilog Angat. Ang hakbang na ito ay bahagi ng direktiba ng Lokal na Pamahalaan upang masigurong handa ang mga pasilidad at ligtas ang mga lugar na dinadagsa ng mga turista.
Bukod sa inspeksyon, naging aktibo rin ang departamento sa pagbibigay ng mga sumusunod na paalala sa mga bakasyunista:
Matiyagang Pagbabantay: Paalala sa mga magulang na huwag iwawala sa paningin ang mga bata habang naliligo sa ilog.
Security of Belongings: Pananatiling alerto sa mga dalang kagamitan upang maiwasan ang pagkawala o nakawan.
Responsible Drinking: Paalala sa tamang lebel ng pag-inom ng alak upang maiwasan ang anumang gulo o aksidente (drowning) dahil sa kalasingan.
Patuloy ang panawagan ng MDRRMO sa publiko na agad makipag-ugnayan sa kanilang mga response teams na nakatalaga sa paligid kung sakaling magkaroon ng anumang emergency. Layon ng Oplan SUMVAC na gawing mapayapa, maayos, at zero-casualty ang paggunita ng Semana Santa sa buong bayan.









Comments