Oplan Sita sa Pundicion St.: Kampanya ng Angat PNP Laban sa Kriminalidad, Pinahigpit
- Angat, Bulacan

- May 4
- 1 min read

Bilang bahagi ng kampanya para sa mas ligtas na lansangan at pagpapanatili ng kaayusan, isinagawa ng Angat Municipal Police Station (MPS) ang Oplan Sita sa kahabaan ng Pundicion St., Barangay Sta. Cruz ngayong ika-4 ng Mayo, 2026.
Ang operasyon na nagsimula bandang alas-1:12 ng hapon ay pinangunahan ni PSSg Rodolfo Curampes, Patrol PNCO, sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ Joel M. Alba, Acting Chief of Police ng Angat MPS, at sa direktiba ng Bulacan Police Provincial Office (PPO).
Ang pagsasagawa ng Oplan Sita ay hindi lamang nakatuon sa pagsisiyasat ng mga sasakyan, kundi layunin din nito na maayos na pakikipag-ugnayan sa mga residente at motorista sa lugar. Pagbibigay ng pagkakataon na mapag-usapan ang mga isyu ng seguridad at crime prevention sa loob ng komunidad.









Comments