top of page
bg tab.png

OPLAN SITA LABAN SA KRIMINALIDAD, INILunsad SA BRGY. SAN ROQUE


Bilang bahagi ng mas pinalakas na kampanya laban sa lahat ng anyo ng kriminalidad, matagumpay na nagsagawa ng Anti-Criminality Oplan Sita ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) sa Barangay San Roque ngayong ika-8 ng Mayo, 2026.


Ang operasyon na nagsimula bandang alas-11:00 ng umaga ay pinangunahan ni PCPT MIRARI S. CRUZ, Duty Officer of the Day (OD), sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ JOEL M. ALBA, Acting Chief of Police ng Angat MPS, at sa direktiba ng Bulacan Police Provincial Office (PPO).


Ang pagsasagawa ng Oplan Sita ay naglalayong higit pang paigtingin ang seguridad sa komunidad sa pamamagitan ng pagpapatatag ng ugnayan sa pagitan ng kapulisan at mga residente sa pamamagitan ng tuluy-tuloy na koordinasyon at kolaborasyon.  Pagbibigay ng pagkakataon upang talakayin ang mahahalagang usapin ukol sa kapayapaan, pag-iwas sa krimen, at iba pang mga alalahanin ng mga mamamayan sa loob ng nasasakupang lugar.

Ayon sa pamunuan ng Angat MPS, ang ganitong mga hakbang ay mahalaga upang masiguro na ang bawat Angatenyo ay namumuhay nang ligtas at payapa. Sa pamamagitan ng estratehikong pagbabantay sa mga pangunahing punto ng barangay, mas mabilis na natutugunan ang mga banta sa seguridad.


Hinihikayat ng Angat PNP ang publiko na manatiling nakikipagtulungan sa mga awtoridad at sumunod sa mga ipinatutupad na batas upang mapanatili ang kaayusan sa buong bayan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page