Oplan Sita, Isinagawa ng Angat MPS sa Brgy. Sta. Cruz
- Angat, Bulacan

- Dec 10, 2025
- 1 min read
Alinsunod sa mandato ng Philippine National Police (PNP) na itaguyod ang kaayusan, nagsagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) noong Disyembre 9, 2025.
Ang operasyon ay isinagawa bandang 10:00 PM sa Barangay Sta. Cruz, Angat, Bulacan, sa ilalim ng pamumuno ni PCPT JAYSON M VIOLA, ang Officer-in-Charge.
Pangunahing layunin ng Oplan Sita na tukuyin at harangin ang mga indibidwal na sangkot sa ilegal na gawain, i-beripika ang legalidad ng mga dokumento ng sasakyan at palakasin ang presensiya ng pulisya (police visibility) upang magbigay ng seguridad at panatilihin ang kaayusan sa komunidad.









Comments