OPLAN KALULUWA 2025: Angat Rescue Team, Patuloy ang Pagbabantay sa mga Sementeryo
- angat bulacan
- Nov 2
- 1 min read

Angat, Bulacan — Nobyembre 2, 2025 — Patuloy ang pag-iikot at pagbabantay ng Angat Rescue Team sa mga sementeryo sa Bayan ng Angat ngayong Linggo, bilang bahagi ng Oplan Kaluluwa 2025. Layon nitong masiguro ang ligtas at maayos na pagdalaw ng mga Angateño sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Kaagapay ang iba pang ahensya ng pamahalaan, tuluy-tuloy rin ang koordinasyon para sa mas mabilis at epektibong pagtugon sa anumang insidente o emergency.
Nakahanda ang Angat Rescue Team 24/7 upang tumugon sa anumang tawag ng pangangailangan. Sa oras ng emergency, maaaring tumawag sa mga sumusunod na hotline:
📞 0923-926-3393📞 0917-710-5087
Paalala sa publiko: Maging handa, ligtas, at panatag sa paggunita ng Undas.









Comments