top of page
bg tab.png

Oplan Galugad at Inspeksyon sa Custodial Facility, Isinagawa ng PNP Angat

Aug 8
1 min read

Isinailalim sa "Oplan Galugad" at inspeksyon ang pasilidad ng mga preso sa Angat Municipal Police Station ngayong Agosto 8, 2026, bandang 8:30 ng umaga.


Pinangunahan ni Pat Ranjit B. Gelantaga-an, HRAO PNCO at Custodial Officer, ang pagsusuri sa integridad at seguridad ng lock-up cell sa Barangay San Roque, Angat, Bulacan.


Layunin ng aktibidad na masigurong matibay at ligtas ang pasilidad upang maiwasan ang anumang hindi inaasahang insidente, tulad ng pagtakas o pagpasok ng mga ipinagbabawal na gamit sa loob ng kulungan.


Ang gawaing ito ay bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng PNP Patrol Plan 2030 upang mapanatili ang kaayusan, disiplina, at seguridad sa loob ng tanggapan ng kapulisan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page