Opisyal ng Kinilala ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang mga Event Partner ng GulayAngat Festival 2026
Updated: Oct 6
Kinilala ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang mga katuwang na kumpanya at establisimyento na magsisilbing opisyal na Event Partners sa iba't ibang tampok na aktibidad ng GulayAngat Festival 2026.
Pinasalamatan ang REGASCO – Republic Gas Corporation bilang opisyal na partner sa "Hapag ng Pamana," samantalang ang Smart naman ang magiging katuwang sa pagtataguyod ng "GulayAngat Food Park." Kabilang din ang Tatakan Station at Ambassador Prestige Salon para naman sa "Lakbay-Takbong Angat."
Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang pamahalaang bayan sa lahat ng mga katuwang sa kanilang bukas-palad na suporta at pakikiisa upang maipagdiwang ang kultura, komunidad, at lokal na pagmamalaki ng mga Angatenyo.










Comments