Opisyal na Kasuotan ng Hari at Reyna ng Singkaban 2025
- Angat, Bulacan

- Aug 31
- 1 min read

Ipinakikilala ang opisyal na kasuotan ng ating mga kinatawan sa Hari at Reyna ng Singkaban 2025, likha ng tanyag na Filipino designer na si G. Paolo Blanco.
Reyna ng Angat – Juliana Christine GalangAng kanyang kasuotang Filipino ay sumasalamin sa kanyang kaanyuan at personalidad: busilak, mayumi, at mahinhin, kasabay ng elegante at sopistikadong katangian. Inspirasyon din ng disenyo ang kanyang debosyon sa Birheng Maria at ang pagiging relihiyoso ng bayan ng Angat. Pinili ang kulay puti bilang sagisag ng kalinisan at kapayapaan, at pinalamutian ng makikinang na Swarovski crystals para sa higit na karangyaan.
Hari ng Angat – Carl Joseph SuarezSuot niya ang modernong Barong Tagalog na yari sa telang piña, simbolo ng yaman ng kalikasan at pagkakakilanlang Pilipino. Tampok dito ang disenyo ng solihiya, isang sinaunang paraan ng paghahabi na karaniwang makikita sa antique furniture, bilang pagbabalik-tanaw sa mayamang kultura at tradisyon ng Pilipinas.
Ang kasuotan ay isang pagpupugay sa kulturang Pilipino at sa malikhaing obra ni G. Paolo Blanco.
Team ng Support:
Handler: Ms. Puja Mariano
Marquillage: Ayie Punzal
Hair: Sophia Nicolas
Assistant: Poncy Montilla
RM: Jc Bantog
Nails: Jacel Ann
Official Wardrobe Provider: Paolo Blanco
Photo: John Mendiola Photography









Comments