top of page
bg tab.png

Opisyal na Alituntunin at Iskedyul ng Pasahan sa Donacion Sports League, Inilabas Na!


Opisyal nang inilabas ng Sangguniang Kabataan (SK) at Pamahalaang Barangay ng Donacion ang mga opisyal na Rules and Regulations para sa pinakaaabangang Basketball at Volleyball League ngayong taon.


Layunin ng mga alituntuning ito na masiguro ang isang maayos, patas, at masayang kompetisyon na nakasentro sa tunay na disiplina at sportsmanship ng bawat kabataang kalahok. Inaanyayahan ang lahat ng mga manlalaro at pamunuan ng bawat koponan na basahin at tumpak na sundin ang mga itinakdang patakaran.



Kasabay nito, pormal ding binuksan ang pagtanggap ng opisyal na line-up ng bawat koponan na nagsimula noong ika-24 ng Mayo hanggang sa itinakdang huling araw nitong Biyernes, ika-29 ng Mayo, 2026.


Maaaring isumite ang mga dokumento sa dalawang itinalagang lokasyon:

  1. Barangay Hall ng Donacion

  2. Tahanan nina SK Seanjie at SK Jelo


Para sa pagsusumite ng mga pangalan at iba pang mga katanungan o kumpirmasyon hinggil sa liga, maaari lamang hanapin at makipag-ugnayan kina SK Seanjie Mangahas at SK Jelo.


Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page