top of page
bg tab.png

Opisina ng Senior Citizens sa Brgy. Niugan, May Bago nang Iskedyul ng Serbisyo


Naglabas ng mahalagang anunsyo ang Pamahalaang Barangay ng Niugan para sa lahat ng nakatatandang residente kaugnay ng opisyal na iskedyul ng serbisyo ng mga bagong halal na opisyal ng Samahan ng Senior Citizens.


Upang mas mabilis at maayos na matugunan ang mga katanungan, kahilingan, at iba pang pangangailangan ng mga senior citizen, magkakaroon na sila ng regular na duty sa opisina ayon sa mga sumusunod na detalye:

  • Mga Araw ng Opisina: Lunes, Biyernes, at Sabado

  • Oras ng Serbisyo: 8:00 AM – 12:00 NN lamang

  • Lokasyon: Ikalawang Palapag, Lumang Barangay Hall, Barangay Niugan


Ayon sa pamunuan, may nakatalagang opisyal sa bawat iskedyul upang matiyak ang episyente at may malasakit na paglilingkod sa lahat ng miyembro.


Inaanyayahan ang lahat ng mga senior citizen sa Barangay Niugan na bumisita sa mga nabanggit na araw at oras para sa kanilang mga transaksyon at usapin.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page