Online Breastfeeding Quizbee, Inilunsad ng Nutrisyon Angat para sa Breastfeeding Awareness Month
- Angat, Bulacan

- Aug 15
- 1 min read

Sa pagpapatuloy ng pagdiriwang ng Breastfeeding Awareness Month ngayong buwan ng Agosto, opisyal na inilunsad ng Pamahalaang Bayan ng Angat, sa pamamagitan ng Nutrisyon Angat, ang isang Online Breastfeeding Quizbee para sa lahat ng mga Angateño.
Layunin ng nasabing online activity na palawakin ang kaalaman ng mamamayan ukol sa kahalagahan ng pagpapasuso para sa kalusugan ng ina, sanggol, pamilya, at buong komunidad.
Ayon sa Nutrisyon Angat, mag nagsisilbing layunin at insentibo ang nasabing paligsahan:
Subukin ang Kaalaman: Sukatin ang batayang kaalaman ng publiko ukol sa tamang nutrisyon at pagpapasuso.
Magbahagi ng Impormasyon: Magbigay ng mga bago at makabuluhang katotohanan tungkol sa mga benepisyo ng gatas ng ina.
Manalo ng Premyo: Magkaloob ng mga papremyo para sa mga kalahok na makapagtatala ng matataas na marka.
Magsulong ng Adbokasiya: Hikayatin ang komunidad na maging mas supportive sa mga inang nagpapasuso.
Inaanyayahan ng lokal na pamahalaan ang lahat ng mga residente, pamilya, at mga tagapagtaguyod ng kalusugan na makilahok sa Online Quizbee. Ang kumpletong mekanismo at panuntunan ng paligsahan ay matatagpuan sa opisyal na Facebook Page ng Nutrisyon Angat.









Comments