top of page
bg tab.png

"Online Bisita," Isinagawa ng PNP Angat para sa mga Person Under Police Custody

Aug 3
1 min read

Isinagawa ng Angat Municipal Police Station (PNP Angat) ang programang "Online Bisita" para sa mga Person Under Police Custody (PUPC) na nakatigil sa kanilang custodial facility ngayong Agosto 3, 2026.


Nagsimula ang naturang aktibidad bandang 9:30 ng umaga sa pamumuno ni Custodial Officer Pat Ranjit B. Gelantaga-an. Sa pamamagitan ng paggamit ng messaging applications tulad ng Messenger at tawag sa telepono, nabigyan ng pagkakataon ang mga PUPC na makipag-usap at makakumusta sa kanilang mga pamilya at mahal sa buhay.


Ang gawaing ito ay bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng PNP Patrol Plan 2030. Layunin ng alternatibong paraan ng pagbisita na ito na gamitin ang modernong teknolohiya at social media upang mapanatili ang koneksyon ng mga detalye sa kanilang pamilya, habang tinitiyak ang seguridad at maayos na pamamahala sa pasilidad ng kapulisan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page