One-Stop-Shop Caravan para sa mga OFW at Pamilya, Isasagawa sa Angat

Ilalapit ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), sa pakikipag-ugnayan sa Pamahalaang Bayan ng Angat, ang iba't ibang tulong at benepisyo para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs), returned OFWs, at kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng Pre-Employment and Migrant Workers One-Stop-Shop Caravan.
Gaganapin ang nasabing caravan sa Oktubre 21, 2026, sa ganap na ika-9:30 ng umaga sa New Municipal Hall Auditorium, Barangay San Roque, Angat, Bulacan.
Tampok sa mga serbisyong ipapagkaloob ng DMW ang Welfare and Reintegration Assistance at Legal Consultation. Samantala, mag-aalok naman ang OWWA ng Welfare and Public Assistance, mga programang pangedukasyon at scholarships, training and upskilling, mga pangkabuhayang programa (livelihood programs), at reintegration programs.
Upang maiproseso nang mabilis ang profiling at maiwasan ang mahabang pila, ipinapayo ng lokal na pamahalaan sa mga mamamayan na mag-pre-register gamit ang opisyal na online form sa [https://forms.gle/Bh1J6R5hhbcHnfV19](https://forms.gle/Bh1J6R5hhbcHnfV19).










Comments