OEO Angat, Nakiisa sa Pagdiriwang ng Indigenous Peoples Month sa Pagsusuot ng IP Contemporary Attire
- angat bulacan
- Oct 29
- 1 min read

ANGAT, BULACAN — Bilang bahagi ng paggunita sa Indigenous Peoples Month at IPRA (Indigenous Peoples Rights Act) Commemoration, nagsuot ng IP contemporary attire ang mga kawani ng Office of the Election Officer (OEO) Angat sa huling IP Wednesday ng taong 2025.
Ang inisyatibong ito ay pagpapakita ng suporta at pakikiisa sa layuning itaas ang kamalayan, itaguyod ang respeto, at palalimin ang pag-unawa sa kultura at karapatan sa pagboto ng mga miyembro ng Indigenous Cultural Communities (ICCs) at Indigenous Peoples (IPs).
Ayon sa OEO Angat, patuloy ang kanilang pangako na suportahan ang mga programang nagpapatibay sa pagkilala at karapatan ng mga IPs, lalo na sa usapin ng partisipasyon sa demokratikong proseso.









Comments