top of page
bg tab.png

"No to CPP-NPA Recruitment", Isinusulong ng Angat Police Station


Upang maprotektahan ang kabataan, mamamayan, at mga komunidad mula sa linlang ng mga rebeldeng grupo, masigasig na isinusulong ng Angat Municipal Police Station (MPS) ang kampanyang "No to CPP-NPA Recruitment" sa buong bayan ng Angat.


Ang inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas (PNP) at ng pamahalaan upang wakasan ang armadong sigalot at maiwasan ang pagre-recruit ng Communist Party of the Philippines - New People's Army (CPP-NPA) sa mga pampublikong sektor at sektor ng kabataan.


Pinaalalahanan ng Angat MPS ang publiko na ang tunay na kaunlaran at kapayapaan ay makakamtan sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagsunod sa batas. Hinihimok ang lahat na agad na ipagbigay-alam sa mga awtoridad ang anumang kaduda-dudang aktibidad o panlilinlang na may kaugnayan sa rekrutment sa kanilang lugar.


Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page