top of page
bg tab.png

“No Segregation, No Central MRF”: MENRO Angat, Nagbabala sa mga ‘Mixed Waste’


Bilang bahagi ng mas pinalakas na adbokasiya sa wastong pamamahala ng basura, muling binigyang-diin ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) Angat ang mahigpit na pagpapatupad ng Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 sa isinagawang IEC/CEPA Campaign nitong ika-15 ng Marso, 2026.


Ang aktibidad ay ginanap sa Barangay Marungko kasabay ng isinagawang State of the Barangay Address (SOBA). Sa nasabing pagtitipon, naglabas ng matapang na babala ang MENRO: Ang Central Material Recovery Facility (MRF) ay HINDI NA TATANGGAP ng anumang "mixed waste" o halo-halong basura.


Ipinaliwanag ng MENRO na kapag ang garbage truck na dumating sa Central MRF ay natuklasang may lamang halo-halong basura, posible itong pabalikin sa Barangay MRF. Sa ganitong sitwasyon, ang mga opisyal ng barangay o mga kinatawan ng Brgy. MRF ang muling magsasagawa ng pagbubukod (sorting), na magdudulot ng pagkaantala sa koleksyon at dagdag na trabaho sa antas ng barangay.


Layunin ng polisiyang ito na itanim sa bawat mamamayan ng Marungko na ang disiplina sa segregasyon ay nagsisimula sa loob ng bawat tahanan. Binigyang-diin na ang pakikipagtulungan ng publiko ay hindi lamang pagsunod sa batas, kundi isang mahalagang tungkulin upang makamit ang isang mas maayos, malinis, at ligtas na kapaligiran para sa lahat.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page