Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos ang Republic Act No. 11983 o mas kilala bilang "New Philippine Passport Act."
Batay sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO), binibigyan ng bagong batas ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng awtoridad na maglaan ng offsite at mobile passport services sa mga lugar na hindi saklaw ng mga consular offices at foreign services posts.
Sa bisa ng batas, itinatadhana rin ng DFA na itatag at panatilihin ang isang online application portal at Electronic One-Stop Shop na madaling ma-access sa kanilang opisyal na website.
Dagdag pa ng PCO, ang DFA ay inatasang ayusin ang mga accomodation para sa aplikasyon ng mga regular na pasaporte para sa mga senior citizen, may kapansanan, buntis na kababaihan, single parents, Overseas Filipino Workers (OFW), menor de edad na pitong taong gulang pababa, at mga indibidwal na may mga emergency.
Comments