NEGOSYO AT KALSADA, BINANTAYAN: Angat PNP, Nagsagawa ng Visitation at Police Visibility sa M.A. Fernando Ave.
- Angat, Bulacan

- May 6
- 1 min read

Sa layuning masiguro ang ligtas na daloy ng komersyo at kaligtasan ng mga mamamayan, isinagawa ng Angat Municipal Police Station (MPS) ang sabay na Police Visibility at Visitation of Business Establishments sa kahabaan ng M.A. Fernando Avenue ngayong ika-6 ng Mayo, 2026.
Ang nasabing operasyon na nagsimula bandang alas-8:16 ng umaga ay pinangunahan nina PSSg Angelo Castro at PSSg Rodolfo Curampez, mga Patrol PNCOs, sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ JOEL M. ALBA, Acting Chief of Police, at sa gabay ng Bulacan Police Provincial Office (PPO).

Naging sentro ng aktibidad ang direktang pakikipag-ugnayan sa mga may-ari ng negosyo at mga residente sa lugar upang patatagin ang Police–Community Partnership at pagkakataon na talakayin ang mga usapin tungkol sa peace and order at magbahagi ng mga tips upang maiwasan ang mga insidente ng pagnanakaw o iba pang krimen. Bukas din na tinalakay ang iba pang mga usaping pang-komunidad na nakakaapekto sa seguridad sa loob ng kanilang Area of Responsibility (AOR).
Bukod sa pagbisita sa mga establisyemento, ang presensya ng mga unipormadong pulis sa M.A. Fernando Avenue ay naglalayong magbigay ng babala sa mga masasamang loob at tiyakin ang kapanatagan ng loob ng mga motorista at mamimili sa umaga.
Ayon sa pamunuan ng Angat MPS, ang ganitong mga hakbang ay mahalaga upang maipakita na ang pulisya ay laging handang rumesponde at nakasubaybay sa bawat sulok ng bayan para sa ikabubuti ng lahat ng Angatenyo.









Comments