Patuloy ang programa ng pamahalaang lokal sa Munisipyo sa Barangay, na nagbigay ng iba't ibang serbisyo sa 419 mamamayan mula sa Barangay Taboc. Personal na binisita at kinamusta ni Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan at Sangguniang Barangay ng Taboc ang 59 kababayan na may karamdaman at hindi kayang dumalo sa programa. Layunin nitong maipadama ang tulong ng lokal na pamahalaan sa kanilang kalagayan.
Nagpaabot ng pasasalamat ang lokal na pamahalaan sa mga nakatuwang sa pagbibigay ng serbisyo:
- Sangguniang Barangay ng Taboc sa pangunguna ni Kapitan Edsel Lopez
- Angat Eye Clinic
- Angat Kalusugan
- Dra. Marivic R. Rimando-Abelardo
- Dra. Ofelia Cruz
- Mark Espiritu mula sa Provincial Veterinary Office
- Dra. Monina Manuel (Angat Kalusugan-Niugan Chapter)
At mga volunteer dentist mula sa University of the Philippines College of Dentistry na sina:
- Allen R. Abelardo
- Fionna Faye G. Quijano
- Mikhaela Angelique P. Marcaida
- Yishai M. Laguador
Ang mga programang tulad nito ay patuloy na isinasagawa sa barangay upang masiguro ang kalusugan at kagalingan ng bawat mamamayan sa ating bayan.
Comments