Sa pangunguna ng pamahalaang bayan, katuwang ang Angat Eye Clinic at Angat Kalusugan, matagumpay na nakapagbigay ng iba't ibang serbisyo para sa 309 na mamamayan ng Barangay Paltok. Ang aktibidad na ito ay bahagi ng malawakang pagsisikap ng munisipyo na maghatid ng serbisyong pangkalusugan sa mga nangangailangang residente.
Dumalo sa nasabing programa sina Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan, na personal na bumisita sa mga kabarangay na hindi makadalo dahil sa kanilang mga karamdaman. Bukod sa serbisyong medikal, sila ay binigyan ng mga assistive devices at food packs bilang bahagi ng kagyat na tulong mula sa pamahalaang bayan.
Pinasalamatan din ni Mayor Reynante ang Sangguniang Barangay ng Paltok, sa pangunguna ni Kapitan Vilamor Lazaro, gayundin ang Joni Villanueva General Hospital na tumulong sa pagbibigay ng libreng serbisyong medikal tulad ng check-up, laboratory test, blood chemistry, ECG, at mga libreng gamot. Hindi rin nakalimutan ang pasasalamat sa Anakalusugan Party-list sa pangunguna ni Cong. Ray Reyes.
Malaki rin ang ambag ng mga doktor at dentista na nakibahagi sa programa, kabilang sina:
Dra. Marivic Rimando Abelardo
Dra. Ana Patricia Abelardo Capinpin
Dra. Nynia Syvenska Ong Reyes
Dr. Primo de Guia
Dra. Monet Manuel
Comments