top of page
bg tab.png

Municipal Joint Services sa Barangay (MJSB) sa Barangay Niugan


ree

Matagumpay na naihatid ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang iba’t ibang serbisyo sa ilalim ng Municipal Joint Services sa Barangay (MJSB) sa Barangay Niugan, kung saan humigit-kumulang 797 benepisyaryo ang nakinabang sa larangan ng pangkalusugan, pangkabuhayan, at social services.


Sa tulong ng Damayan sa Barangay (DSB), Angat Eye Clinic, Angat Kalusugan, at Sangguniang Barangay ng Niugan, nagbigay ng tulong-medikal ang katuwang na mga doktor at health professionals.


  • Hygiene Kits: Namahagi ng 147 hygiene kits upang mapaigting ang pangangalaga sa kalinisan at kalusugan.

  • Home Visit: Personal ding dinalaw ang 22 kabarangay na may karamdaman at hindi makadalo upang ihatid ang suporta at serbisyo.

  • Dental Mission: Kasabay nito, matagumpay ding naisagawa ang Dental Mission sa dental bus sa Don Pablo Amisolo Memorial School, kung saan 34 mag-aaral ang nabigyan ng dental check-up at serbisyo.


Naging posible ang dental mission sa tulong nina Dra. Monina Manuel, Dra. Marivic Rimando - Abelardo, Dra. Monette Del Rosario Melencio, Dr. Roderick Valdesantos, Dra. Angelica Melencio, mga volunteers mula sa LGU, at kabataang miyembro ng JOWABLE Youth.


Nagpaabot ng lubos na pasasalamat ang LGU sa lahat ng volunteers, barangay staff, at katuwang sa programa. Patuloy na ipagpapatuloy ang mga programang naglalapit ng serbisyo, malasakit, at pagkalinga sa bawat Angateño.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page