Nagsagawa ng Distribution ng PhilHealth ID at Member Data Record ang Municipal Health Office sa Municipal Gymnasium kung saan tinanggap ng halos dalawang libong katao ang kanilang PhilHealth ID.
Kasama sa aktibidad ang mga kawani ng PhilHealth Sta. Maria Branch na nagbahagi ng mga benepisyo at tulong na maaaring makuha.
Dumalo rin sa aktibidad sina Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, at iba pang opisyal ng bayan, kasama ang mga kinatawan ng Municipal Health Office na si Dr. Guillerma A. Bartolome, kasamang mga kawani at PhilHealth Sta. Maria Branch.
Comentários