top of page
bg tab.png

Municipal Engineering Office, Pinangunahan ang Lingguhang Flag Raising Ceremony sa Angat


Isang makabuluhan at pinagpalang pagsisimula ng linggo ang hinarap ng mga lingkod-bayan matapos matagumpay na isagawa ang lingguhang seremonya ng pagtataas ng watawat na sinundan ng isang Banal na Misa sa compound ng Pamahalaang Bayan.


Ang pagtataas ng watawat ngayong umaga ay pinangunahan ng mga dedikadong kawani mula sa Municipal Engineering Office.


Nakiisa sa pambansang seremonya si Punong Bayan Igg. Reynante S. Bautista, kasama sina Konsehal JP Solis, Konsehal Wowie Santiago, at Konsehal Blem Cruz. Dumalo rin ang mga pinuno ng iba't ibang tanggapan, mga kinatawan mula sa Angat PNP at Angat BFP, pati na rin ang buong puwersa ng mga kawani ng lokal na pamahalaan upang ipakita ang nagkakaisang suporta sa tuluy-tuloy na serbisyo publiko.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page